MENU

seal

 

 

Mga Kababayan,

Dalawang linggo na ang nakaraan mula ng sinimulan nating ang overseas voting. May dalawang linggo pa po ang botohan.

Nais ko pong sanang ipamalita sa ating mga kababayan na mayroon nang 758 na botanteng Pilipino dito sa Geneva at Vaud ang nakapagboto. Bagamat marami-rami na rin po ito sa unang tingin, ang totoo po ay wala pa ito sa kalahati ng 2,334 na rehistradong botante dito sa Geneva at Vaud.

Kaugnay po nito, tatlong bagay sana po ang ipakikiusap ko po sa inyo.

Una, sana po ay magkaroon kayo nang oras na mailaan para makaboto. Magandang halimbawa po na makita po ng ating mga kababayan na tayo po ay nangunguna sa pagboto.

Pangalawa, sana po mahikayat ninyo ang inyong mga kasama sa inyong mga sari-sariling grupo na bomoto na rin.

Pangatlo, huwag na po sana nating hintayin ang huling araw ng botohan para po bomoto.

Ang presinto (voting center) po natin sa Konsulado ay bukas araw araw, kasama ang Sabado at Linggo, mula 830 ng umaga hanggang 530 ng hapon. Ngunit, sa ika-9 Mayo, ang huling araw ng overseas voting, hanggang 11 ng umaga lang bukas ang voting center.

Maraming salamat at lubos na sumasainyo po,

ConGen Rico


ENRICO T. FOS
Consul General
Philippine Consulate General in Geneva
Avenue Blanc 47, 1202 Geneva, CH